November 24, 2024

BATANGAS PPO, WAGI SA SAR TEAM CHALLENGE

Ayon sa ulat ni PCOL GLICERIO C CANSILAO, Provincial Director, kay PBGEN ANTONIO C YARRA, Regional Director, lumahok ang Batangas Police Provincial Office (PPO) sa Search and Rescue (SAR) Team Challenge na pinangunahan ng Regional Learning and Doctrine Development Division ng Police Regional Office CALABARZON.

Tumagal ang patimpalak ng tatlong araw na nag-umpisa noong Hunyo 15, 2022 at nagtapos noong Hunyo 17, 2022. 

Alinsunod sa mga palatuntunin ng patimpalak ay nagpadala ng 10 personnel ang Batangas PPO (8-man team kasama ang 2 reserved players) bilang mga kalahok sa pangunguna ni PLT ADOLFO C ANDRADA bilang team leader.

Kasama ni PLT ANDRADA ang 9 na katao pa na humarap sa hamon ng SAR Team Challenge. Limang hamon ang kinailangang malampasan ng mga kasali sa tatlong araw na patimpalak. Ito ay ang mga: Obstacle Course, Rope Course, Emergency Scenario, Small Boat Handling, at Water Rescue. Matapos ang patimpalak ay tinanghal na 1st Runner Up ang Batangas PPO.

Pinatunayan lamang ng patimpalak na ito na ang kapulisan ng Batangas ay handa sa anumang insidente na pwedeng mangyari sa ating lugar.

Nagbigay naman ng kaunting mensahe si PNP.”– PBGEN YARRA anya”

“Congratulations sa lahat ng mga nanalo. Mahalaga ang mga aktbidad gaya nito dahil lahat ng inyong mga natutunan sa SAR Team Challenge ay siguradong magagamit niyo hindi lang sa trabaho kung hindi sa inyong personal na buhay. Kudos to Batangas. Felix Laban