Taon na nga ba ng NU Lady Bulldogs ang UAAP Season 84 women’s volleyball tournament? Namamayagpag kasi ang nasabing team sa liga.
Walang dungis ang kanilang record sa ngayon na 13-0. May posibilidad na ma-sweep nila ang kanilang mga kalaban sa round 2 o second round-robin. Malaking sorpresa ito sa volleyball community.
Kung dati’y La Salle at Ateneo ang namamayani, hindi na ngayon. Matunog ang team noong ‘Santiago Sisters’ pa ang naglalaro. Nakakapasok din sila sa ‘Final 4’.
Naulit ito ngayon at mas impresibo pa. Malaking adbantahe ito sa NU kapag still undefeated sila. Kapag kasi pumasok sila sa Final 4, may twice-to-beat adbantage sila. Kung susuwertihin, baka maka-carry over pa ito kung sasampa sila sa finals.
Bukod sa Lady Bulldogs, taon din ng UST Lady Tigresses. Pero, hindi nawawala sa eksena ang La Salle at Ateneo. Itong 4 teams na ito ang malamang na magtapat-tapat.
Ang tanong, makakasampa kaya ang Lady Bulldogs sa finals? Malamang. Sino ang makakaharap nila? Alinman sa La Salle at UST.
Kung magtutuloy-tuloy ang bangis ng NU, may posibilidad na mag champ sila ngayong taon.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!