Usap-usapan na gaganap si Ruffa Gutierrez sa papel ni dating first lady Imelda Marcos. Balak raw kasi ng VIVA na gawan ng bio-epic movie si madam. Ayon sa source, tuloy na nga ito na may pamagat na: “Maid in Malacañang”.
Wala namang sinabing detalye si Ruffa about sa pelikula gayung nasa poder na siya ng Viva. Pero, nagpost ito ng larawan sa socmed na magkasama sila ni madam Imelda.
“Through the years with the one and only Madame Imelda Romualdez Marcos,” aniya sa kanyang post.
Si Darryl Yap naman ang magiging director ng pelikula. Ayon pa kay Yap, nagkaroon na ng final casting para sa proyekto noong Biyernes.
Katunayan, kumalat sa socmed ang picture nina Yap, Sen. Imee Marcos at Madam Imelda. Kasama rin ang big boss ng Viva para sa pitching ng movie. Magiging tampok aniya sa pelikula ang nangyari sa loob ng Palasyo. Kung saan, iinog ito 3 araw bago mangyari ang EDSA Revolution noong 1986.
More Stories
DANIEL PADILLA, POKUS MUNA SA TRABAHO AT NEGOSYO
Buwisit na mga netizens sa galit-bati drama… SHARON AT KC, NOON PA NOT IN GOOD TERMS
Hiwalay na nga ba? PAOLO CONTIS, NO COMMENT ANG SAGOT SA PAG-UNFOLLOW SA KANYA NI YEN SANTOS