Pabor sa Golden State Warriors ang mga basketball analyst na magwawagi sa Game 2 ng NBA Finals. Gayunman, nag-iba na ang ihip ng hangin. Kung dati pabor sila na magkampeon ang Dub City, hindi na ngayon.
Ito’y dahil sa nakikitang disadbantahe ng team sa Boston Celtics. Malalim anila ang depensa ng Celtics at malaking problema ito sa kanila.
May armas na kasi ang Boston kung papaano talunin ang Golden State. Bantayan o limitahang maka-iskor sina Steph Curry at Klay Thompson. O dili kaya depensahang mabuti.
Malaking factor din na nagwagi ang Celtics sa home court ng Warriors. Kung pagbabasehan ang win-win situation sa home court, lamang na ang Boston. Lalo na kung aabot ng Game 7 ang laro.
Tiwala naman si Celtic big man Al Holford na masisilat nila ang tropa ni Steve Kerr.
“I know it may sound arrogant, but when you play for the Celtics, the expectation is to win a championship,” aniya.
“Even when I got here in ’16, that was the expectation even then. That’s what it is in the organization. We’re just taking it a game at a time,”dagdag nito.
More Stories
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo
Sen. JVE panauhin sa AFAD Arms Show ngayon sa SMX