Nasa radar ng ilang boxing analyst na babalik sa lona si Sen. Manny Pacquiao ngayong taon. Ito’y kasunod ng kanyang pagkabigo sa presidential elections. At dahil nasa DNA niya talaga ang boxing, mukhang hihirit pa raw ang ‘Pambansang Kamao’.
Ayon sa ilang hinuha, uupak sa lona si Pacman sa Hulyo o sa Agosto ngayong taon. Kung sino ang kanyang makakalaban, 2 ang pinagpipilian.
Kabilang na sina Errol Spence at Terrence Crawford. Ayon sa RingTV, may unfinished business si Spence at Pacquiao. Naudlot ang sagupaan nila noong Agosto 2021. Sa halip, si Yordenis Ugas ang nakatapat ng People’s Champ.
Mataas din ang expectation o hatak kapag si Crawford ang makakalaban niya. Dahil sa making halaga rin ang nawala sa kanya dahil sa halalan, pabawi umano ito sa nagastos niya.
Isa rin sa iminumungkahing labanan niya ay si Canelo Alvarez. Gayundin ang rematch nila ni Flord Mayweather Jr.
“If his bid for the highest job in his homeland doesn’t pan out, and he makes his return to boxing, Terence Crawford, Canelo Alvarez, and a Floyd Mayweather, Jr. rematch could be waiting for him,” saad ni Jason Burgos ng Sportsnaut.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo