UMABOT sa 50 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Kaagad namang binisita si Mayor-elect Cong. John Rey Tiangco ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Sitio Puting Bato sa Brgy. NBBS Proper para makumusta ang kanilang kalagayan at makapaghatid ng kaunting tulong.
Ipinag-utos din ni Mayor Toby Tiangco sa mga tauhan ng pamahalaang lungsod na maghanda ng hot meals, mga food packs, hygiene kits, at sleeping kits na ipamamimigay sa mga pamilyang apektado.
Batay sa ulat, dakong alas-6:50 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa naturang lugar kung saan mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan na pawang gawa sa light materials.
Agad iniakyat ng Navotas Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog sa unang alarma kung saan idineklarang fire under control dakong alas-7:54 ng gabi.
Tuluyang naapula ang apoy makalipas ang halos dalawang oras habang wala namang napaulat na nasawi o nasaktan sa naturang insidente at inaalam ng BFP ang pinagmulan ng sunog.
Pansamantalang nanunuluyan sa basketball court sa naturang barangay at sa kanilang mga kaanak ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog habang patuloy naman ang pagbibigay ng pamahalaang lungsod ng kanilang mga pangunahing pangangailangan tulad ng food facks.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE