November 24, 2024

2ND BOOSTER SHOT PWEDE NA SA SENIOR CITIZEN, HEALTHCARE WORKERS

Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na maari nang tumanggap ang senior citizens at frontline health workers ng kanilang second COVID-19 booster shot.

Sa isang pahayag, maari na silang mag-avail ng mRNA vaccine brands tulad ng Moderna at Pfizer na layuning palakasin ang immunity laban sa COVID-19 lalo na’t may banta ng bagong Omicron subvariants.

“After careful study and consideration of the best available evidence, we shall now roll out effective immediately the second booster for our frontline health workers and senior citizens,” ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje.

Ang second booster shot ay ibinibigay ng hindi bababa sa apat na buwan ang nakalilipas pagkatapos maturukan ng unang booster dose, ayon sa DOH guidelines.

Binigyan ng ‘go signal’ ng Food and Drug Administration ang second boosters para sa priority sectors sa Abril. Bagama’t saklaw ng initial na rollout ang mga taong may mahinang immunity.