NAG-COURTESY visit si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kay presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kasunod ng 2022 national at local elections.
Ayon sa inilabas na statement mula sa kampo ni Marcos, opisyal na ibinigay ni Huang kay Marcos ang isang congratulatory note sa ngalan ni Chinese President Xi Jinping.
“The Chinese embassy conveyed its hope ‘to bring the two countries’ relationship of Comprehensive Strategic Cooperation to new heights,'” ayon sa pahayag.
Ang naturang pagbisita ay matapos batiin ni Huang si Marcos para sa kanyang tagumpay sa 2022 elections.
Kumpiyansa si Huang na mas tatatag at mas lalalim ang relasyon ng Pilipinas at China sa ilalim ng pamumuno nina Bongbong Marcos at Inday Sara Duterte.
Naniniwala rin ang ambassador na dahil sa vision sa bansa at wisdom ng dalawa sa pagharap sa mga iba’t ibang hamon ay maipapakita nito ang “unprecedented unity” para makaahon sa mga problema at maka-rekober sa epekto ng pandemya.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY