Ipinakikilala ng Shanghai, China ang pinakamalaking multipurpose heavy lift vessel sa mundo, ang Pilecki, na magdadala ng Chinese vaccine production equipment papunta sa Morocco upang tulungan ang Africa sa pakikipaglaban sa COVID-19.
Ang misyon na ito ay isang joint project ng Chinese-Polish Joint Stock Shipping Company at vaccine production line provider Morimatsu Group ng China.
Ang transportasyon ng sasakyang pandagat ay nagbibigay-daan sa produksyon ng mahigit 20 bakuna, kabilang ang tatlong COVID-19 vaccines, na tutugon sa mga pangangailangan ng mahigit 60 porsiyento ng buong populasyon ng Africa. Ang higanteng barko ay may deadweight na humigit-kumulang 62,000 tonelada, na may limang higanteng lugar ng imbakan at isang flight deck na halos 5,000 metro kuwadrado.
Ang Pilecki ay ang pang-apat na barko at naaprubahan para sa serbisyo sa pamamagitan ng isang “cloud handover” noong Abril 20, tatlong buwan bago ang iskedyul.
“Through everyone’s efforts and international cooperation, we are able to transport entire vaccine factories to different ports in a single trip. Completing the project shows China’s commitment to treating vaccines as a global public good,” ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian. “ As we continue to hope for the light towards the end of the pandemic to shine brighter, joining our hands and helping each other is the best thing we can all do for a safer, healthier, and well-connected world!” dagdag pa niya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA