NAKARATING na sa kaalaman ng National Press Club of the Philippines (NPC) ang pagkakatimbog ng Tarlac Provincial Police Office sa apat na umano’y miyembro ng press na naka-base sa Bulacan nitong Mayo 1 dahil sa kasong “robbery extortion” at usurpation of authority.
Kinilala ang mga naaresto na sina Rene Clemente, 57, at kanyang live-in partner na si Sally Inot, 43; Steve Inot, 22, at Jason Estrada, 45, kapwa residente ng Barangay Longos, Malolos City, Bulacan.
Ayon sa ulat, nagpakilala ang apat bilang mga agent ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para mangotong mula sa isang operator ng peryaan na agad humingi ng tulong sa pulisya.
Nakuha mula kay Rene ang lumang ID ng NPC at napag-alaman na ito ay hindi kasalukuyang aktibong miyembro ng Club, kung saan napag-aalaman na huling itong nagbayad ng membership dues ay noon pang 2018.
Ayon sa bagong NPC President na si Lydia Bueno, hindi kinukunsinte ng NPC ang ganitong uri ng kriminal sa mga miyembro ng press.
“Even as the suspects should be allowed their day in court as part of due process, the incident is also sufficient ground for the NPC to review and bar the membership of Clemente with the Club for gross violation of the Journalist’s Code of Ethics,” dagdag ni Bueno.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY