Nais ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rey Bulay na pansamantalang suspendehin ang dalawa nilang opisyal na may partisipasyon sa aberya sa “PiliPinas Debates 2022.”
Matatandaang hindi natuloy ang naturang debate ng mga presidential candidates, matapos magkaaberya ang Impact Hub sa bayad para sa Sofitel Hotel.
Partikular na pinasususpinde ni Bulay sina Comelec spokesperson James Jimenez at Dir. Frances Arabe, na mula sa media relations department.
Ipinagtataka ng opisyal kung bakit itinutulak nina Jimenez at Arabe ang paglalaan ng komisyon ng P15 million, para lamang matuloy ang debate.
Kung sakaling mapapatawan ng suspensyon, maaari pa rin umanong makaganap ng ibang trabaho ang dalawa, sa ilalim ng patnubay ng kanilang committee heads. “They can continue other functions under the supervision of their committee heads,” wika ni Bulay.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY