Maugong ang sitsit kay Kay Sotto kaugnay sa paglundag nito sa NBA. Bukas nga, magpapasya na ang 7-foot-3 cager tungkol sa kanyang kapalaran. Tutuloy ba sa NBA Draft o magpapahinog pa sa NBL? O dili kaya’y lulundag sa European League?
Sa tingin ng iba, medyo hinog na si Kai. Para naman sa iba, hindi pa. Pero, sa ganang akin, susunggaban ko na ang opportunity. MInsan lang kumatok ‘yan. Ika nga, ‘ strike while the iron is hot’.
Matunog ang pangalan ni Kai, walang duda yan. Para sa akin, mahahasa siya sa NBA. Doon na siya magpalakas habang bata pa. Isa pa, may value ang kanyang pangalan. Kaya, papatuan ‘yan ng ilang NBA teams.
Tandaan natin na ang NBA ay isang business. Kapag sikat ka, malakas ang hatak mo. Panonoorin ang laro dahil sa iyo. Pati mechandise, bibilhin.
Kahit hindi naman kagalingan pa, susunggan tiyak ang teenager. Lalo na’t kung ang isang player ay may malaking fan base. Surely, business pa rin ang maglalaro sa utak ng mga team owners.
Kapag height ang pag-uusapan, malaki ang advantage ng binata.
Kapag nagkalaman pa ‘yan, mahihirapan ang iba dahil may galaw siya. May tira rin siya sa labas at mahilig mambutata.
Kaya kung ako kay Kai, kagatin ko na ‘yan. Magpapa-draft ako. Ganyan din naman noon ang nangyari sa ilang NBA players. Kinuha sa draft at nahasa na lang kalaunan.
Kagaya nina Kristaps Porzingis na kinuha ng New York Knicks. Gayundin si Dirk Nowitzki na kinuha ng Bucks. Pati na rin si Giannis Antetokounmpo na kinuha rin ng team. SI Nowitzki ay napunta kalaunan sa Dallas dahil sa trade. Magiging proud tayong mga Pilipino kapag nagkataon. Dahil sa wakas, may purong Pinoy ang nakapasok sa NBA.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!