Umakyat si ‘Alex’ Eala sa world ranking ng Women Tennis Association (WTA). Ito’y batay sa inilabas na bagong list ng WTA.
Mula sa puwestong 572nd, umangat ng 161 ang 16-anyos na Pinay netter. Sumampa na ito sa No. 411, ang bago niyang WTA singles career-high ranking.
Bunga ito ng tagumpay ng Rafael Nadal Academy scholar at Globe ambassador sa nakaraang linggong W25 Chiang Rai first leg women’s singles sa Thailand. Ang naturang tilt ay bahagi ng preparasyon ni Eala sa darating na 31st SEA Games 2022 sa Mayo 12-23 sa Hanoi, Vietnam.
Kumpiyansa naman ang kampo ng tennis sensation na mambubulaga si Eala sa biennial meet. Lalo na’t kinikilala na ito isa sa de-kalibreng tennis player ngayon.
More Stories
P21-M SHABU NASABAT SA 2 HIGH VALUE INDIVIDUAL SA QUEZON
2 tulak, kulong sa higit P.1M droga sa Caloocan
PAGAWAAN NG PEKENG VITAMINS SINALAKAY NG NBI (Washing machine ginagamit na panghalo)