SA kulungan ang bagsak ng dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Ayon kay PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police, dakong alas-10 ng gabi nang magsagawa ang kanilang mga operatiba sa pangunguna ni P/Lt. Doddie Aguirre ng buy bust operation sa Area 1, Pinalagad, Brgy., Malinta matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta umano ng shabu ni Edmar Angeles, 20, scrapper.
Nagawang makipagtransaksyon ng isang pulis na umakto bilang poseur-buyer sa suspek ng P500 halaga ng droga at nang tanggapin nito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto nila si Angeles.
Ani PSMS Fortunato Candido, nakuha kay Angeles ang humigi’t-kumulang 10 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,000.00, marked money, cellphone at P300 cash.
Dakong alas-5:15 naman ng madaling araw nang matiklo din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Batimana St., Brgy., Marulas si Wilfredo Dy Jr, alyas “Balat”, 39.
Ayon kay PSSg Ana Liza Antonio, nasamsam sa suspsek ang humigi’t-kumulang 6 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P40,800, buy bust money na isang P500 bill at dalawang P1,000 boodle money at cellphone.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
REP. TIANGCO: MAS MARAMING KADIWA STORES, MAKAKATULONG SA MGA MAGSASAKA
RECTO IKINALUGOD ANG ‘BBB+’ CREDIT RATING NA IBINIGAY NG S&P SA ‘PINAS
Mga bangkay na hinukay, hindi pa rin maibalik sa kanilang pamilya… TEODORO SAKLOLO!