Ang Binondo-Intramuros Friendship Bridge na idinonate ng China ay ang kauna-unahang tulay na direktang nag-uugnay sa 400 year-old Intramuros at Binondo, ang pinakamatandang Chinatown sa mundo.
Nagbigay ito ng trabaho para sa ilang daang Filipino nitong panahon ng pandemya at nagsanay ng hindi mabilang na mga Filipino engineering students habang ipinapatayo ito.
Pagsisilbihan ng Friendship Bridge ang mahigit sa 30,000 motorista kada araw, na may protected bike-lane at walkway areas upang itaguyod ang malusog na pamumuhay ng mga Filipino.
Gumamit ang China Road & Bridge Corporation (CRBC) ng advanced na teknolohiya para sa pagpapatayo ng 734-meter-long, basket-handle tied steel arch bridge na may lapad na 31m at may apat na lane sa kabuuan.
Ayon kay Duterte na ang tulay na donasyon ng China ay magbibigay sa mga Pilipino ng pagkakataong maranasan ang paglago ng ekonomiya at pagpapahusay ng produktibidad. Magbibigay din ang nasabing tulay ng bagong enerhiya at sigla sa Intramuros at Binondo. Pagsusulong ng higit pang turismo, mga pagkakataon sa negosyo, at pagkakaibigan sa mga mamamayang Filipino.
Ang Binondo-Intramuros bridge ay isa lamang sa dalawang tulay na idinonate ng China sa panahon ng termino ni Pangulong Duterte.
Ang isa pang tulay na donasyon ng China ay ang futuristic na Estrella-Pantaleon bridge na nag-uugnay sa Mandaluyong at Makati. Ang dalawang tulay ay nagkakahalaga ng mahigit 5 bilyon. Dahil sa umiiral na pagtaas ng mga presyo ng konstruksiyon sa buong mundo, ang 2 tulay ay tinatayang nasa mahigit 8 bilyong piso na ngayon.
Nag-donate rin ang China ng 10,000 tonelada ng bigas para sa mahihirap na komunidad sa Pilipinas, kabila na ang mga biktima ng bagyo, nagbigay din sila ng higit sa 5 milyong bakuna kontra COVID-19, bilyon-bilyon pang medical supplies at iba pang tulong.
“The bridge marks the 16th government to government project completed between China and the Philippines since 2016,” saad ni Chinese Ambassador Huang Xilian.
“Filipinos would enjoy more benefits from China-Philippines friendly cooperation,” wika naman ni DPWH Secretary Mark Villar said.
Ang naturang tulay ay isa pang testamento ng ugnayan ng mga Filipino at Chinese people sa loob ng maraming siglo, na higit na pinayaman sa ilalim ng visionary leaderships nina Pangulong Duterte at Pangulong Xi Jinping.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI