November 23, 2024

“BUS NI ISKO” UMARANGKADA NA

Nagsama-sama  ang mga representante ng iba’t ibang labor unions, transport groups, community organizations, professionals at volunteer group sa paglulunsad ng “Bus ni Isko” sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.
(Kuha ni ART TORRES)



OPISYAL nang inilunsad ng mga volunteer ni Aksyon Demokratiko standard bearer at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang “Bus ni Isko” campaign caravan ngayong araw ng Lunes.

Ang “Bus ni Isko” ay isang 20-day road campaign initiative kung saan maglilibot ang mga youth volunteer sa buong bansa para hikayatin ang mga kabataang botante na iboto si Domagoso.

“We believe in Isko Domagoso’s platform of government. He has the track record of turning Manila into a vibrant city once more,” ayon kay Jon Pennington, of Isko Tayo Kabataan (ITK).

Suportado rin ng grupo ang pangako ng alkalde na habulin ang  P203-billion estate tax na utang ng pamilya Marcos.

“We believe that a good Filipino should pay taxes. Even the poor pay taxes, so why not collect taxes from the rich like anybody else?” ani ni Pennington.

Maglilibot ang unang “Bus ni Isko” sa buong Luzon habang ang second bus ay bibiyahe sa Visayas at Mindanao.

Layon din ng campaign initiative na hikayatin ang mga kabataan na maging proactive at gampanan ang mahalagang papel sa lipunan.