November 24, 2024

Pagpapalakas sa Pundasyon ng Hukbong Himpapawid:
Philippine Air Force Sinalubong ang Bagong 2 Attack
Helicopters, Pilipinas Mapapalakas ang ‘Close Air Support’

BILANG tagapagtaguyod ng kasarinlan at kapayapaan, noong ika-9 ng Marso, taong kasalukuyan, pinaghandaan ng Philippine Air Force ang paglapag ng Airbus mula Turkey lulan ang dalawang Attack Helicopter sa Clark Air Base, Pampanga.

Sa katunayan, ito lamang ay 2 sa 6 na yunit na Turkish-made T129 “ATAK” Attack Helicopters na binili ng Philippine Air Force (PAF) na nagmula sa TAI Aerospace Industries na nagkakahalaga ng USD269,388,862 o P12.9 bilyong piso sa pamamagitan ng Republic Act 9184 o ng Government Procurement Reform Act.

Ang mga ito ay ‘multi-role at all-weather’ na dinesenyo sa pag-atake lalo na sa maiinit na lugar gaya ng Pilipinas, at kayang mag-operate sa kalagitnaan ng gabi.

“The PAF welcomes the arrival of two units of T129 ‘ATAK’ helicopters onboard the (Airbus) A-400M from Turkey at 30 minutes past midnight 09 March 2022 at Clark Air Base…” pagbibigay linaw ni Spokesperson Lt.Col. Mariano.

Binigyang diin din ng Tagapagsalita na isasailalim muna ang dalawang natanggap na attack helicopters sa isang intensive technical inspection at flight tests upang masigurong maayos at may kalidad ang mga ito.

“… it will undergo a test, test flights before the acceptance ceremonies can be done and it will go through a lot of orientation in (the) country, together with the pilots and the crew,” dagdag ni Lt.Col. Mariano.

Inaasahan na papasok sa hurisdiksyon sa PAF ang mga nabanggit na helicopters sa mga darating na buwan na magagamit sa pagpapaigi ng “surface strike system”. Sa ilalim ng pangangasiwa ng 15th Strike Wing ng Philippine Air Force, gagamitin bilang ‘close air support’ sa mga ground troops, armed surveillance, at reconnaissance ang mga ito.

Bilang parte ng globalisasyon, ang pagbabago o paggawa ng mga reporma sa loob at labas ng Philippine Air Force ay bahagi ng taunang pagkilala sa ambag ng sangay sa pagharap ng mga suliraning pang-himpapawid.

“Your commitment to the call of duty and to the active participation is truly inspiring.” Pagbibigay lakas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte

Kaakibat ng mandatong sinumpaan, nagsisikap na magampanan ng Philippine Air Force ang pagpapanatili ng kaayusan sa himpapawid. Naglalayong mas mapalakas ang yunit sa pagtatanggol sa teritoryo ng bansa sa pamamagitan ng masusing pag-aaral at paggamit ng mga bagong kagamitang pandigma.