Happy Birthday Pangulong Rodrigo Duterte na nagdaos ng ika-77 taong kaarawan. Ito na ang huling pagdiriwang ng Pangulong Digong sa ilalim ng kanyang termino. Matatapos na ang kanyang panunungkulan.
Ang pahayagang ito ay taos-puso ring bumabati sa working president. Na sa loob ng 6 na taong pamamahala ay maraming nagawa. Kaisa kami sa pagpapaabot ng bati, kakampi man o kritiko sa pulitika.
Isantabi muna ng iba, lalo na ang oposisyon ang kritisismo. Hayaan nyong e-enjoy ng Pangulo ang kanyang birthday. At sa buwan ng Hunyo, tapos na ang kanyang panunungkulan. May papalit namang iba.
Sariwain natin ang kanyang magagandang nagawa. Itapon muna ang puwing na gawa ng iba. Walang perpektong tao, pero nagsisikap na huwag magkamali.
Irespeto natin siya at ang kanyang mga nagawa sa bansa. Kabilang ang imprastraktura, paglaban sa kriminalidad, korapsyon at droga. Hindi rin naman lingid sa atin ang kanyang nagawa, sampu ng kanyang mga katuwang.
Namnamin natin ang pinagpagalan natin mula sa buwis na ginamit gobyerno sa makabuluhang bagay. Ang pagpapaigi ng transportasyon, pangangalaga sa kalikasan at iba pa.Hindi rin madali ang hinarap ng Pangulo na hamon ng pandemya. Lahat ay apektado at sino ba ang may gusto nun?
Pero ngayon, magkaisa muna tayo dahil nakakatuwa yan. Ke hindi ka kadiwa ng Pangulo o kapanalig, isantabi muna. Diyan natin hinahangaan ang mga Pilipino. Walang personalan, pulitika lang.
Hanga tayo sa kritiko niya na bumati sa kanyang kaarawan. Batid nating taos naman ito sa puso at di pakitang tao lang. Saan man anggulong tingnan, magkababayan pa rin tayo.
Iisa ang ating lahi, pili, wika at dugo. Sa pulitika, kahit papaano, mayroon pa ring respeto. Makaiba man ang kulay na ating suot sa ating pagkatao.
Muli, happy 77th birthday Pangulong Digong. Nawa’y bigyan ka pa ng Panginoong Diyos ng mahabang buhay at lakas, mabuting kalusugan, kaligayahan at tagumpay.
More Stories
ANG KANLURANG DAGAT NG PILIPINAS
Ang Disyembre ay Buwan ni Rizal
Elpidio R. Quirino, Guro to Pangulo