November 2, 2024

Depresyon sa pandemya
ESTUDYANTE NAG-SUICIDE

ISANG 21-anyos na estudyante na ilang ulit ng nagtangkang magpakamatay ang natuluyan na makaraang madiskubreng walang buhay habang nakabigit sa loob ng kanilang bahay sa Navotas City.

Sa report ni PMSg. Philip Edgar Valera kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-5 ng madaling araw nang madiskubre ang biktimang si alyas “Rudy” ng kanyang ina na nakabigti ng nylon cord sa loob ng kanilang bahay sa Kaunlaran Village.

Kaagad pinutol ang nylon cord ng isa kanilang miyembro ng pamilya at mabilis na isinugod ang biktima sa Tondo Hospital subalit, idineklara itong dead-on-arrival.

Sa pahayag sa pulisya ng ama ng biktima, nagsimulang makaranas ng depresyon ang kanilang anak noon pang nakaraang taon sanhi ng pandemyang dulot ng COVID-19 na dahilan upang hindi na siya dumalo sa online classes.

Isinangguni aniya nila sa isang psychiatrist ang anak upang isailalim sa counselling matapos ang ilang ulit na pagtatangkang wakasan ang kanyang buhay sa pag-asang magbalik muli sa sariling katinuan ang anak.