November 2, 2024

CHINESE EMBASSY NAG-DONATE NG P4M HALAGA NG FERTILIZERS SA PILIPINAS

MAYNILA – Nag-donate ang Chinese government ngayong Biyernes ng P4 milyon halaga ng urea fertilizer upang tulungan ang mga magsasakang Filipino sa gitna ng tumaatas na presyo ng fertilizer.

Sa isang statement, sinabi ni Chinese Ambassador Huang Xillian, kabilang ang Filipino farmers sa labis na naapektuhan ng global supply shortages at mataas na presyo ng fertilizers.

“I am fully aware that Filipino farmers and consumers are currently experiencing the effects of the problem. To address this, I, on behalf of the Chinese Embassy, donated 4 million pesos worth of urea fertilizers to the Department of Agriculture to help Filipino farmers with these current difficulties,” saad niya.

“May this friendly and humble gesture cushion its blow and support them during this plight,” dagdag niya.

Dagdag pa ni Huang na handa na ang China na gawing prayoridad ang procurement ng signed contracts sa Pilipinas.

Iniulat ni Senator Juan Miguel Zubiri noong nakaraang buwan na ang urea ay nagbebenta na ngayon ng humigit-kumulang sa P2,400 mula sa P800, 18 buwan na ang nakalipas.