November 24, 2024

WALDEN BELLO “PERSONA NON GRATA” SA DAVAO

IDINEKLARANG persona non grata ng Davao City Government si Partido Lakas ng Masa (PLM) vice presidential candidate Walden Bello matapos nitong tawagin na ‘drug center of the South’ ang nasabing siyudad.

Dahil dito ay hindi na maaring makabisita pa si Bello sa Davao City.

Ngunit sa kanyang pahayag, sinabi ng kandidato na hindi siya natatakot sa nasabing desisyon ng Davao City.

Tinawag niya ring ‘duwag’ si Mayor Sara Duterte dahil sa hindi nito pagdalo sa mga debate.

“I am unconcerned and unbothered by the decision of local Davao elites to declare me as persona non grata.” ani Bello.

“I consider ordinary people in Davao to be far more important than those privileged few who have sold their souls to the Dutertes. My conversations with these people last week–with workers, farmers, professionals and so on- have revealed an immense dissatisfaction with the corruption and hypocrisy of the city’s dynasty.” dagdag niya pa.

“I reiterate: if the coward Mayor Sara is confident about her track record, she should show up to debate me. She should stop sending lackeys like Tupas and the City Council to try to wash her dirty laundry.”

Matatandaan na sinabi ni Bello sa Commission on Elections (COMELEC) sponsored debate na ginanap nitong nakaraang Linggo na pinapatakbo ng pamilya Duterte ang kalakaran ng ipinagbabawal na gamot sa Davao City.

Dahil dito ay humiling ang local party ni Duterte na Hugpong ng Pagbabago (HNP) na imbestigahan si Bello sa posible nitong koneksyon sa ipinagbabawal na gamot dahil may alam daw itong impormasyon sa Davao City na hindi niya ibinabahagi sa mga otoridad.