UMABOT diumano ng 140,000 katao ang dumalo sa campaign rally ng tambalan nila presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential bet Davao City Mayor Sara Duterte na ginanap sa General Trias City nitong Marso 22.
Sa panayam sa kanya, sinabi ni Remulla na isang tagasuporta ni Marcos na nagkasya sa General Trias Sports Complex ang 100,000 katao habang 40,000 naman ang bigo ng makapasok sa venue dahil sa punong puno na ito.
Ngunit hindi lahat ng netizens ang naniwala sa sinabi ni Remulla.
May ilan din na nagsabi na ‘edited’ ang mga larawan na inilabas sa social media na kuha sa nasabing rally.
“Parang edited na naman ang picture. Hindi gradual ang pagliit ng size ng mga tao. Ayusin niyo muna ang linear perspective niyan.” sabi ni netizen @JOMTMON.
“140K? Wasn’t there another Remulla who claimed that the capacity of this place is only at 40K? Gawa muna kayo gc kung ilan talaga kasya dito. Lol.” ani @rosecolored1694.
“Nahiya pa si gov di pa ginawang 203 billion silang nandoon,” tweet naman ni @theninja08
Sa ngayon ay hinihintay pa ang opisyal na estimate ng PNP sa nasabing rally.
Matatandaan na sinabi noon ng kapatid ni Gov. Jonvic na si Cavite Representative Boying Remulla na imposibleng magkasya ang 47,000 na katao na dumalo sa rally ni Vice President Leni Robredo na ginanap din sa General Trias Sports Complex.
“Alam mo ‘yong exaggeration lang ng dami ng pumunta sa rally, hindi ako maniniwala sa dami na ‘yon. Kabisado ko ‘yong lugar, hindi kakasya ang 47,000 people do’n. Exaggeration na ‘yon, sobra na, ani Boying Remulla sa panayam sa kanya ng ANC.
Ngunit ayon naman sa isang app na nagsusukat ng kung ilan ang maaring magkasya na tao sa isang lugar ay maaring magkasya ang mahigit 49,000 na katao sa nasabing venue.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna