NATIMBOG ang tatlong hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Mark Baluyot, 35, Joshua Santos, 33, kapwa (pusher/listed) at Glenieline Albiza alyas “Glen”, 38, pawang residente ng Brgy., San Roque.
Ayon kay Col. Ollaging, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon hinggil sa pagbebenta ng shabu nina Baluyot at Santos na nagging dahilan upang ikasa ang buy bust operation sa pangunguna ni PLT Luis Rofu kontra sa kanila sa Leongson St., Brgy., San Roque dakong alas-2:05 ng madaling araw.
Nang tanggapin ng mga suspek ang P300 marked money mula sa isang pulis na umakto bilang poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba.
Kasama ring dinakip si Albiza na naaktuhan umano ng mga operatiba na bumibili din ng shabu sa mga suspek.
Tinatayang aabot sa 1.8 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P12,240 ang nakumpiska sa mga suspek, kasama ang marked money at P200 bills.
Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (JUVY LUCERO)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY