November 3, 2024

BIR NAGSAGAWA NG BRIEFING PARA SA CLARK LOCATORS, SMEs

CLARK FREEPORT— Nagsagawa kamakailan lang ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng briefing para sa mga locator ng nasabing Freeport para sa business requirements at iba pang tax compliance requirements.

Dumalo sa naturang event via Zoom ang 100 partisipante mula sa iba’t ibang Clark locators, representatives mula sa Clark Development Corporation (CDC) at iba pang Micro, Small, and Medium Enterprises (SMEs).

Sa ginanap na online activity, ipinaalam sa mga partisipante ang tungkol sa proper application para sa registration ng self-employed individuals, gayundin ang mga paksa sa estates and trusts, Corporations, Partnerships, Cooperatives, Associations, Local Government Units (LGUs), Branch or Facility at iba pa.

Naroon din sa briefing sina CDC Vice President for Admin and Finance Engr. Mariza O. Mandocdoc at CDC Vide President for Business Development and Business Enhancement Group Rynah F. Ventura.

Kinatawan ni Ventura  si CDC President and CEO Manuel R. Gaerlan at nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa BIR para sa pag-oorganisa ng event na nagbigay ng impormasyon at updates sa proper registration at iba pang tax compliance requirements para sa SMEs.

“Our heartfelt appreciation to the BIR for arranging this event which served as an effective approach and means of educating entrepreneurs. This (event) is also another driving factor in our continuous promotion of the ease of doing business in Clark and other areas of growth across our country,”  saad niya.

Nabanggit din ni Ventura sa kanyang closing remark  ang kahalagaan ng tamang legal na dokumentasyon at pagpaparehistro.

 “It is not only done in order to legally run your business, but it can also safeguard you from penalties, costly fees, litigation, and a variety of other legal troubles,” dagdag niya.

Taong 2020 nang pasinayaan ng BIR ang kanilang Revenue District Office No. 21C office sa nasabing Freeport.