November 2, 2024

NAVOTAS NAGBIGAY NG P1.5M TULONG SA ‘ODETTE’ SURVIVORS

NAGBIGAY ng P1.5 milyon cash aid ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa limang local government units na lubhang naapektuhan ng Bagyong Odette.

Sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction Management Office, nagbigay ang Navotas ng kabuuang P1.5 milyon sa local na mga opisyal ng Dapa, Surigao Del Norte; Ilog, Negros Occidental; Gingoog, Misamis Oriental; at mga probinsya ng Dinagat Islands at Bohol.

“Although our budget and resources are also limited because of our two-year long battle with COVID-19, we are still fortunate that we have the capacity to help our fellow Filipinos in dire need of support and assistance,” ani Mayor Toby Tiangco.

“Dati, tayo ang tinutulungan dahil binabaha tayo nang matindi. Ngayon, tayo na ang tumutulong sa iba. At nagpapasalamat tayo sa bawat Navoteño dahil sa kanilang pakikiisa, mas madali nating natutugunan ang pandemya, mas nagagamit natin ang pondo ng bayan di lang sa pagpaaangat ng buhay sa Navotas kundi sa pagtulong din sa kapwa natin Pilipinong higit na nangangailangan,” dagdag niya.

Hinagupit ng Bagyong Odette ang Pilipinas noong December 2021 at sinalanta ang maraming lugar sa Visayas at Mindanao.

Noong 2014, sa pamumuno ng alkalde noon ay ngayon ay representative ng Navotas na si John Rey Tiangco, nagbigay din ang lungsod ng P2 milyon sa dalawang coastal municipalities sa Eastern Samar na sinalanta ng Typhoon Yolanda. (JUVY LUCERO)