Sinampahan ng kaso ni Pasig City Vice Mayor Iyo Bernardo ng kasong cyber libel si Mayor Vico Sotto dahil sa kanyang akusasyon sa isang flag ceremony noong Enero 10.
Matatandaan sa nasabing flag ceremony sinabihan ni Sotto si Bernardo na tigilan na ang pamumulitika at magtrabaho na lamang kasama ang lokal na pamahalaan.
“Sana bago natin pag-usapan ang pulitika, bago tayo mamulitika, magtrabaho muna tayo, tuloy-tuloy po sana tayo sa trabaho natin,” saad ni Sotto.
Bagay na pinasinungalingan ni Bernardo.
“Naniniwala po ako na hindi ho dapat nagagamit ang flag ceremony pagdating po sa political agenda. Dapat po ang flag ceremony ay ginagamit po to para pasalamatan ang mga empleyado ho namin, para i-encourage, para lalo hong magtrabaho po para sa mga Pasigueño,” saad ni Bernardo.
“Kaya ako magsasalita ngayon ay para proteksyunan ang pangalang Caruncho na pilit mong dinudumihan,” dagdag niya.
Si Sotto at Bernardo ay mahigpit na magkatunggali sa pagka-alkalde ng lungsod para sa 2022 elections.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE