APRUBADO na ng Food and Drug Administration (FDA) ang Sinovac para sa pagbabakuna kontra COVID sa mga bata.
Nagpalabas noong Biyernes ang FDA ng Emergency Use Authoritizatio (EUA) sa Sinovac para magamit na rin ang nasabing bakuna sa government COVID immunization program.
Sa 8-pahinang dokumentong inilabas ng FDA at nilagdaan ni Dr Oscar Gutierrez, Jr., Officer-in-Charge Director General, sinabi ng ahensiya na ipinagkaloob nila ang EUA sa Sinovac makaraan ang maingat na pag-aaral sa aplikasyon nito, kasama ang supporting documents at review ng mga lokal na eksperto. Ang EUA ng Sinovac ay partikular sa mga batang 6-anyos pataas.
Binigyang-diin ng FDA na batay sa kabuuang mga ebidensiya, kabilang na ang sapat at kilalang clinical trials, “makatarungan lamang paniwalaan na ang COVID-19 vaccine na Sinovac ay epektibo sa pagpigil, pag-diagnose at paggamot sa COVID-19.”
Dahil dito, maaari nang gamitin ang Sinovac ng emergency response stakeholders tulad ng Department of Health o ng National Task Force Against COVID-19 at iba pang awtorisadong ahensiya na kabalikat ng COVID-19 pediatric vaccination ng pamahalaan.
Malaki rin ang maitutulong nito upang maabot ang goal ng pamahalaan na 39 milyong bakuna ng bata kontra COVID at tuluyan nang magkaroon ng herd immunity sa bansa.
“We thank the FDA and our vaccine experts for approving Sinovac’s Coronavac for ages 6 and above. Making this vaccine available to the younger age segment is a game changer is protecting the country’s youth and preserving recent gains in controlling the pandemic. This will also ensure greater access and vaccine equity for the Philippines,” ani Enrique Gonzalez, chairman ng pharmaceutical consortium na IP Biotech Group.
Nauna rito, binigyang-diin ng Philippine Medical Association at ng Vaccine Solidary Movement ang kahalagahan ng pagkakaroon ng dagdag na bakunang pamimilian para sa mga bata upang maitaguyod din ang vaccine confidence.
Samantala, idinagdag ng FDA na sa pagkakaloob nila ng EUA sa Sinovac, binigyang-konsiderasyon din nila ang katulad na pag-apruba sa nasabing bakuna na ibinigay ng kanilang counterpart National Regulatory Authorities (NRAs) tulad ng China, Brazil at Indonesia.
Ang pag-aaral sa Chile na may datos mula sa 1.9 milyong kabataang 6 hanggang 17-taong gulang ay nagpakita umano sa 74% bisa ng Sinovac.
Sinabi ni Gonzales na ang medical communities at regulators sa iba’t ibang bansa, na nauna nang nagbigay ng EUA sa Sinovac, ay nagbigay rin ng mga datos na nagbibigay-katiyakan sa mga magulang sa kaligtasan at bisa ng Sinovac bilang bakuna kontra COVID sa kanilang mga anak.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY