TINATAYANG nasa 300 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos ang naganap na sunog sa isang residential area sa Valenzuela City, Linggo ng madaling araw.
Sa nakalap na ulat sa Valenzuela City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-4:20 ng madaling araw nang biglang sumiklab ang sunog sa residential area sa Sagip St., Brgy., Arkong Bato.
Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan kaya’t agad inakyat ang sunog sa ikalawang alarma kung saan i-deneklara ng BFP na fire under control dakong alas-7:04 ng umaga.
Dakong alas-2:04 naman ng hapon nang ideklarang fire out ang sunog habang wala naman napaulat na nasaktan o nasawi sa inidente at inaalam pa kung magkano ang naging pinsala at anu ang pinagmulan ng naturang insidente.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE