Papayagan na ng gobyerno ng Pilipinas na makapasok sa bansa ang mga byahero mula Hong Kong at Macau kahit pa walang visa, kasunod ng pagpapalabas ng panibagong resolusyon na aprubado ng IATF-EID.
Ang mga Passport holders mula Hong Kong Special Administrative Region (SAR) o Macau SAR ay maaaring manatili sa bansa nang walang visa para sa panahon na hindi lalagpas ng 14 na araw, ayon sa IATF-EID Resolution 164-A na inaprubahan, araw ng Huwebes.
“Those who can visit the Philippines without visas must present an “acceptable” proof of COVID-19 vaccination and a negative result of either RT-PCR test taken 48 hours or laboratory-based antigen test taken 24 hours prior to their arrival in the country,” ang pahayag ni Ablan.
Ang pasaporte ng mga ito ay kailangan na balido sa loob ng 6 na buwan simula ng kanilang pagdating sa bansa.
Inaprubahan din ng IATF-EID, ayon kay Ablan ang “acceptance and recognition” ng national Covid-19 vaccination certificate ng Croatia, Cyprus, at Nepal.
Ayon kay Ablan, “the COVID-19 vaccination certificates should be used for purposes of arrival quarantine protocols, as well as for interzonal and intrazonal movement.”
“The Bureau of Quarantine, the Department of Transportation’s One-Stop-Shop, and the Bureau of Immigration are directed to recognize only the proofs of vaccination thus approved by the IATF,” aniya pa rin.
Samantala, kinikilala rin ng Pilipinas ang Covid-19 vaccination certificates na inisyu ng mga bansang Armenia, Australia, Austria, Bahrain, Belgium, Canada, Colombia, Czech Republic, France, Georgia, Germany, Hong Kong SAR, India, Iraq, Italy, Japan, Kazakhstan, Kuwait, Monaco, New Zealand, Oman, Qatar, Samoa, Singapore, Slovenia, Sri Lanka, Switzerland, Thailand, The Netherlands, Tunisia, Turkey, United Arab Emirates, United Kingdom, Estados Unidos, Vietnam, Brazil, Israel, Timor-Leste, South Korea, Malaysia, Ireland, Argentina, Brunei Darussalam, Cambodia, Chile, Denmark, Ecuador, Indonesia, Myanmar, Papua New Guinea, Peru, Portugal, Spain, Azerbaijan, Macau SAR, Syria, Egypt, Maldives, Palau, Albania, Estonia, Greece, Malta, Uruguay, Romania, at ang British Virgin Islands.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE