NADISKUBRE ang isang hinihinalang vintage bomb sa isang excavation site sa Caloocan City.
Ayon sa ulat, dakong alas-4:46 ng hapon nang madiskubre ang naturang vintage bomb sa excavation site sa loob ng Maynilad Compound sa Brgy. 35 ng lungsod na naging dahilan upang i-report ito ni Henry Montebon, 22, Road Roller Operator sa mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 1.
Kaagad namang rumesponde sa naturang lugar ang team ng SECU ng Caloocan police sa pangunguna P/Lt. Leo Devero Limbaga, kasama sina PSSg Jeffrey Cruz at PCpl Machir Lagud, kapwa EOD Technician.
Pagdating sa lugar, agad sinuri nina PSSg Cruz at PCpl Lagud ang kalagayan ng naturang UXO at isinagawa ang Render Safety Procedure (RSP) sa pamamagitan ng PUCA (Pick up and Cary Away) na nagresulta sa pagkaka-rekober ng isang 75mm Projectile (UXO) na may fuze na kinakalawang na.
Ani PSSg Cruz at PCpl Lagud, considering ang lagay ng nasabing UXO ay tanggal na ang protective cover mula sa orihinal nitong posisyon upang maiwasan ang fuze mechanism sakaling aksidenteng matamaan ng anumang matigas na bagay at lubha anila itong mapanganip.
Sinabi naman ni P/Lt. Limbaga na dinala nila ang nasabing ordnance sa SECU-Caloocan Police para sa safe keeping bago i-turnover sa RECU-NCR para sa disposal operation. (JUVY LUCERO)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY