November 3, 2024

EJ OBIENA, NAKISIMPATIYA SA UKRAINE KONTRA SA RUSSIA


Nakisimpatiya si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa dinaranas ngayon ng bansang Ukraine. Na sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng pagkubkob ng Russia. Kaya naman, kaisa si Obiena sa laban ng Ukraine sa ‘Russian Invasion’.


Dahil sa ang kanyang coach ay isang Ukranian, dama ni EJ ang feelings nito. Suportado niya ang coach na si Vitaly Petrov na nag-aalala sa kalagayan ng Ukraine.


Katunayan, suot niya ang baller hands na may kulay ng bandila ng Ukraine. Ito ay nang sumampa siya sa Perche Elite Tour sa Rouen, Russia. Kung saan ay nakasungkit siya ng silver medal sa paglista ng 5.91 meters.


My heart and thoughts are with you. Silence never helped the oppressed or the abused,” wika ng SEA Games Asian meet record-holder sa FB post.


“Thank you, my boy! Congratulations,” ani ng 82-anyos na coach.


Samantala, umaasa si Obiena na bibigyan siya ng endorsement ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA). Sa gayun ay makasali sa World Indoor Championships sa Belgrade, Serbia sa Marso 18-20.