November 23, 2024

P3B KITA NI ATONG ANG SA E-SABONG KADA BUWAN

Ibinunyag ng negosyante na si Charlie “Atong” Ang kung magkano nga ba ang nalulustay na pera ng mga Pilipino sa online sabong kada buwan.

Sa kanyang pagdalo sa inbestigasyon ng senado sa mga nawawalang sabungero na pinangunahan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ay inilabas ni Ang na may-ari ng e-sabong firm na Lucky 8 Star Quest Inc ang kinikita nila kada buwan sa mga Pilipino na nahuhumaling sa nasabing sugal.

Tumataginting na isang bilyon hanggang dalawang bilyong piso kada araw ang pumapasok na pera sa kanilang e-sabong.

Napupunta naman ang 5% ng kinita nila sa Sabong kay Ang kaya’t umaabot ng 100 hanggang 200 milyong piso ang nakukuha ng negosyante araw araw.

Dahil dito ay posibleng kumita si Ang ng tatlo hanggang anim na bilyong piso sa mga nagsasabong.

“Depende po sa araw yan. Malakas po sa Friday and Saturday.,” ani Ang.

“P1.5 billion ang matitira. One percent ang expenses, more of less nasa mga P900 million, P800 million matitira sa isang buwan,” sabi pa nito.

Matatandaan na sinabi ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na 640-M na ang naibigay ng e-sabong sa gobyerno simula noong Enero.

Sinabi din ng chairman ng PAGCOR na si Andrea Domingo na itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensyon ng e-sabong na siya namang pinasinungalingan ni Sen. Dela Rosa

Dahil dito ay kinuwestiyon ni Sen. Franklin Drilon kung bakit ganoon lamang kaliit ang nakukuha ng gobyerno mula sa bilyon bilyong kinikita ng e-sabong kada buwan.