INANUNSYO ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na sinimulan ng tambakan at i-develop ng San Miguel Corporation ang mga paalaisdaan sa Tanza na may kabuuang 343 hectares airport support services.
Ayon kay Mayor Tiangco, isa itong proyekto na lalong magpapaangat sa buhay ng bawat Navoteño dahil dito itatayo ang iba’t-ibang airport support industries para sa New Manila International Airport tulad ng aviation maintenance, airpot catering, fast cycle logistics, tourism at iba pa.
Magmula Tanza, ang integrated tool expressway ay dederitso sa New Manila International Airport sa Bulacan, Bulacan kung saan ang Navotas ay mapupunta sa pagitan New Manila International Airport at ng ibang mga lugar sa Metro Manila.
Maghahatid aniya ang proyektong ito ng mas marami pang oportunidad ng hanapbuhay at trabaho para sa mga Navoteño.
Sa bisa ng ordinance No. 2021-40 na inaprubahan ni Mayor Tiangco noong July 21, 2021, 70% ng mga empleyado ay dapat mga Navoteño.
“Ang NavotaAs institute ay magbubukas ng mga kursong kinakailangan upang maihanda ang ating mga kababayan para sa mga skills na kinakailangan. Makakaasa po kayo na hindi tayo hihinto sa pagsusumikap na ipagpatuloy ang pag-unlad ng Navotas at pag-angat ng buhay ng bawat Navoteño,” ani Mayor Toby.
Samantala, ayon naman kay Congressman John Rey Tiangco, “Ang plano ng Manila International Airport ay mula sa world renowned urban planner Arch. Jun Palafox na isa sa nagdevelop ng napaka-progresibong siyudad na Dubai at nag likha ng libu-libong mga trabaho sa higit na apat-napung bansa”. (JUVY LUCERO)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY