November 24, 2024

NAVOTAS NAGBIGAY NG P3K SA HINDI NABIGYAN NG SAP

NAGLAAN ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng pondo para mabayaran ang mga pamilyang Navoteño na hindi nakatanggap ng P8,000 second tranche ng Bayanihan 1 Social Amelioration Program (SAP).

Inihayag ni Mayor Toby Tiangco na dagdagan ng Pamahalaang Lungsod ang natitirang P3,000 dahil 2,939 Navoteño families ang unang nakatanggap ng kanilang P5,000 cash aid mula sa Department of Social Welfare and Development – National Capital Region (DSWD-NCR) noong October 2021.

Sinabi rin niya na ibibigay ng Pamahalaang Lingsod nang maaga ang P3,000 na dapat matatanggap ng 1,881 family-beneficiaries, na validated noong December 2021, bilang bahagi ng kanilang SAP second tranche.

“We learned that these beneficiaries will only get P5,000, not P8,000 as originally intended for the SAP second tranche,” ani Tiangco, nauukol sa ilalim ng DSWD-NCR na tinalakay din sa online meeting kasama ang mga kinatawan ng nasabing ahesya .

Sinabi ng DSWD na ang mga hindi nabayarang kwalipikadong benepisyaryo ng SAP second tranche at ang mga nakatanggap ng kanilang paunang payout noong Oktober 2021 ay pinapayagan lamang ng maximum na P5,000 subsidy sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

“Hindi nila kasalanan na nagkaproblema ang pagbigay ng DSWD ng second tranche. Late na ngang matanggap, bawas pa,” pahayag ni Tiangco. “Our people have been waiting for almost two years now for the financial assistance. It is not their fault that the SAP distribution of the DSWD failed. They should not be the ones bearing the brunt of someone else’s blunder.”

October noong nakaraang taon, 2,939 Navoteño SAP second tranche beneficiaries ang nakatanggap ng P5,000 sa ilalim ng AICS program ng DSWD. Kinakailangan kunin ng departamento ang pondo mula sa isa pang programa habang ang Bayanihan to Heal as One Act ay nag-expire na noong 2020.

Ngayong taon, 1,881 benepisyaryo na sumailalim sa validation noong December 21-23, 2021 at nakumpirmang hindi pa nila natatanggap ang kanilang second tranche ay parehong makakakuha ng parehong halaga sa ilalim ng AICS.

Gayunman, ang pagbabayad ay kailangang ay kailangang maghintay hanggang sa mailabas ang P2 bilyong budget para sa AICS.

Noong December 2020, sinulatan na ni Tiangco si DSWD-NCR Director Vicente Gregorio Tomas hinggil sa mga hindi kasamang pangalan ng mga benepisyaryo sa SAP second tranche payroll. Nagpadala siya ng kabuuang 60 liham na may 5,231 pangalan ng mga Navoteño. (JUVY LUCERO)