November 24, 2024

LRT2 MAY ‘UNLI RIDE’ SA PAPABAKUNA

Magbibigay ng libreng sakay sa loob ng isang ang Light Rail Transit Authority (LRTA) para sa mga pasahero na magpapabakuna sa iba’t ibang Light Rail Transit Line 2 (LRT2) COVID-19 vaccination sites.

Ayon sa pahayag ng LRTA ngayong Martes, ang pakulo ay inilarga upang marami pa ang maengganyo na magpabakuna kontra COVID.

“This free ride program aims to encourage more commuters to get vaccinated and boosted. We need to step up our vaccination efforts in order to ensure the safety and protection of our commuting public,” pahayag ng LRTA.

Ang isang araw na unlimited free ride pass ay ibibigay sa pasahero matapos siyang magpaturok sa vaccination site na nasa LRT-2 station. Ginagamit ngayon bilang vaccination site ang Recto at Antipolo station ng LRT-2, at sa Marso 7 ay magbubukas na rin ng bakunahan sa Cubao station nito. (MJD)