Patuloy ang pag-arangkada sa survey ng tambalan ni dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte para sa pagkapresidente at bise presidente sa 2022 national elections dahil mas tumibay ang suporta ng publiko.
Batay sa isinagawang survey ng Octa Research, sina Bongbong at Mayor Sara ang nangungunang tandem na pinakapinili ng mga botante para umupo bilang presidente at bise presidente sa susunod na taon.
Sa presidential, nakakuha si Marcos ng 55%.
Malaki naman ang agwat ng pumangalawa na si VP Leni Robredo na may 15%, pangatlo si Isko Moreno na may 11%, Manny Pacquiao na may 10% at 3% naman ang nakuha ni Sen. Ping Lacson.
Nasa 7% naman ang undecided o wala pang napipiling iboboto sa susunod na eleksyon.
Samantala, sa vice presidential survey ng OCTA Research ay numero uno pa rin na gustong maging pangalawang pangulo si Mayor Sara na nakakuha ng 43%.
Tumaas naman si Sen. Vicente “Tito” Sotto na nakakuha ng 33%.
Pangatlo si Kiko Pangilinan na may 10%, pang-apat si Doc Willie Ong na may 7% sumunod si Lito Atienza, Carlos Serapio, Walden Bello, Rizalito David at Manny SD Lopez.
Ginawa ang survey sa 1,200 kalahok mula 12-17 Pebrero 2022.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY