Pinatawan ng MWSS ang Maynilad Water Services, Inc. ng financial penalty dahil sa water service interruptions na naranasan ng mga customers nito sa Ilang bahagi ng Cavite at NCR.
Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Lester Ty, alinsunod sa water concessionaire agreement ay hindi dapat lalagpas sa 15 araw ang water service interruption ng Maynilad.
Una nang inimbestigahan ng MWSS ang Maynilad dahil sa posibleng paglabag sa kontrata bunsod ng kawalan ng suplay ng tubig sa ilang service areas nito mula Disyembre 2021 hanggang nitong Pebrero.
Ang parusa ay ipapataw sa pamamagitan ng bill rebates sa mga apektadong customers.
Sa ngayon ay nasa proseso na ang MWSS sa pagtukoy sa lahat ng mga accounts o customers na makakakuha ng rebate.
Hindi pa masabi ng MWSS kung magkano ang matatanggap na rebate ng mga naapektuhan ng problema sa suplay ng tubig ng Maynilad dahil ito ay iko-compute pa nila.
Nakatakda namang ipatupad ang rebates sa Abril.
Magkakaroon ang ahensya ng public information drive para maipabatid sa mga consumers ang ukol sa rebate.
Partikular na nakaranas ng water interruptions ang mga lungsod at munisipalidad sa Cavite at NCR na sakop ng Putatan Water Treatment Plant supply zone ng Maynilad.
Iginiit ng MWSS na dapat ay pangunahing prayoridad ang kapakanan ng customers lalo na ngayon ang tubig ang pinakamahalaga para maiwasan ang pagkalat ng COVID 19.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY