December 23, 2024

Ilang grupo nanawagan ng hustisya… PAGPATAY SA LUMAD SCHOOL TEACHER KINONDENA

Kinondena ng ilang grupo ang pamamaslang kay Lumad school teacher Chad Booc, isang alumnus ng University of the Philippines.

Nasawi ang naturang guro sa sa nangyaring engkwentro noong Huwebes sa New Bataan, Davao de Oro, ayon sa militar.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng UP CURSOR, isang asosasyon ng Computer Science majors kung saan miyembro si Bocc at UP Cebu University Student Council (USC), na “kinokondena nila ang hindi makatarungan at hindi makatao” na insidente, at “humihiling ng hustisya at katotohanan.”

In separate statements, the UP CURSOR, an association of Computer Science majors of which Booc was a member, and the UP Cebu University Student Council (USC) said they “condemn the unjust and inhumane” incident, and “demand justice and truth.”

“There has been no official evidence to support that Chad was part of the NPA despite repeated claims by state forces, resulting in his release last year,” ayon sa UP CURSOR.

Ang tinutukoy nila ay ang insidente noong Pebrero 2021 sa University of San Carlos-Talamban Campus sa Cebu City kung saan kabilang si Booc sa mga nahuli mula sa isang Bakwit school dahil sa umano’y trafficking ng mga Indigenous Peoples mula Talaingod, Davao del Norte.

“Chad was not only a staunch defender of the rights of the Lumad people. He wholeheartedly immersed himself in marginalized communities to learn from them and serve them to the best of his abilities,” paglalarawan ng UP organization tungkol kay Booc, na nagtapos ng cum laude.

Nanawagan din ng hustisya ang nakababatang kapatid na babae ni Booc na si Nikki at nanawagan ng “patas, walang kinikilingan at masusing pagsisiyasat sa insidente” nang dumalo siya sa isang indignation protest sa UP Cebu grounds noong Sabado, ayon sa Save Our Schools Network Cebu.

Sinabi ng militar na si Booc at apat na iba pa, kabilang ang isang Jojarain Alce Nguho II alyas Rain, isang alyas Dayday, at dalawang lalaki, ay napatay sa isang sagupaan sa mga umano’y komunistang terorista noong umaga ng Peb. 24 sa New Bataan.

Ngunit itinanggi ng Communist Party of the Philippines ang insidente, na binanggit ang natanggap na impormasyon mula sa yunit ng New People’s Army sa lugar.