November 24, 2024

MAS MARAMING SKILLED WORKERS, SINIGURO SA NAVOTAS

Mas marami pang skilled workers naidagdag ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas kasunod ng virtual graduation ng 86 trainees mula sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.

Sa 86, 17 ang nakakumpleto at nakatanggap ng national certification (NC) II para sa Automotive Servicing,16 ang Electrical Installation and Maintenance.

Samantalang 35 trainees naman ang nakapagtapos ng Japanese Language and Culture II, at ang nakatapos ng kanilang Massage Therapy NC II course.

“Having tech-voc skills open more livelihood opportunities that is why we offer free trainings to Navoteños. Since 2019, we had 1,975 graduates of various tech-voc courses and we hope more Navoteños will avail of this program,” ani Mayor Toby Tiango.

May apat na training center ang Navotas na bukas para sa mga Navoteño at non-Navoteño trainees. Maaring mag-aral ng libre ang mga residente sa institute habang ang mga hindi residente ay maaaring mag-enroll at kumuha ng mga pagsusulit sa pagtatasa nang may bayad, depende sa kursong kukunin nila.

Napapatuloy ang enrollment para sa mga kurso sa Electrical Installation and Maintenance NC II, Automotive Servicing NC I at Shielded Metal Arc Welding NC I at NC II.

Available din ang Beauty Care NC II, Hairdressing NC II, Massage Therapy NC II, Housekeeping NC II, Food and Beverages Services NC II, Barista NC II, Bread and Pastry Production NC II, at Food Processing NC II.

Bukas din ang mga kurso sa Tailoring NC II, Dressmaking NC II, Japanese Language and Culture II, Basic Korean Language and Culture gayundin ang Korean Language and Culture II (KOICA), at Basic Visual Graphic and Design.

“Competition is inevitable in any field or industry, and the key to staying ahead or at least at par with others is to continuously get yourselves better.  Learn new skills or strengthen your old ones to ensure that you are ready to face and fight for the job or business that you want and dream of,” pahayag ni Cong. John Rey Tiangco.

Ang NAVOTAAS Institute ay nagbibigay ng mga allowance at tool kits sa mga trainees sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program (TWSP) at Special Training for Employment Program, na pinondohan ng pambansang pamahalaan sa pamamagitan ng tanggapan ni Cong. Tiangco.