Babandera si ‘The Undertaker’ (56) sa batch ng 2022 WWE ‘Hall of Fame’ inductees sa April 1. Di matatawaran ang contrbution ni ‘The Phenom’ sa WWE sa kanyang 30-taong career.
Si Undertaker ay si Mark William Calaway sa tunay na buhay. Nagdebut siya sa WWF (ngayo’y WWE) noong October 1990. Siya ang unang pinangalang inductee na gagawaran sa American Airlines Center sa Dallas.
Pinanganak siya sa Houston, Texas noong Marso 24, 1965 at mayroong 10 alyas bilang wrestler. Kabilang na rito ang Commando, Mean Mark, The Master of Pain, The Punisher’ at Texas Red.
Tinagurian din siyang ‘The Deadman’ at Minister of Darkness’. Naging 4-time WWE Champion at 3-time World Heavyweight Champion.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo