NAKAUWI na sa bansa ang isang OFW na stroke patient mula sa bansang Kuwait pasado alas-4:00 ng hapon kahapon (Feb. 17).
Sa tulong ng AKOOFW partylist group, Phil. Embassy sa Kuwait at POLO-OWWA, nabilhan ng plane ticket si kabayaning Preselda Aquino na isang domestic worker sa Kuwait.
Nag-viral sa social media ang kwento ni Aquino nang ipost ni kabayaning Leah Domingo ng Dubai ang kundisyon ng pasyente na halos dalawang buwan na sa Adan hospital.
Dahil sa kanyang stroke, hindi na maigalaw ni Aquino ang kalahati ng kanyang katawan.
Si Ginang Aquino ay tubong Cauayan City, Isabela province.
Sinalubong ni AKO OFW founder Dok Chie Umandap at kinatawan ng Isabela LGU si Ginang Aquino sa NAIA terminal 1 na lulan ng Kuwait airways 417.
Pinasasalamatan natin ang Local Government ng Cauayan city sa pangunguna ni Mr. Galutera na nag-arrange ng ambulansya na sumundo kay Ginang Aquino sa airport.
Saludo ang AKOOFW sa kabayanihang ginawa ni Mam May Suguitan-Cantal ng AKOOFW Kuwait chapter dahil hindi pinabayaan si Ginang Aquino na maiparating sa mga opisyal ng ating pamahalaan ang kanyang kundisyong medikal.
Sa pamamagitan ni Mam May, nagbigay ng tulong ang AKOOFW, nabihisan at na-impake ang mga gamit ni Ginang Aquino. (Danny Ecito)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY