November 23, 2024

ALASKA, KUMALAS NA BILANG FRANCHISE TEAM SA PBA

Bumitiw na ang Alaska Milk Corporation (AMC) bilang franchise team sa PBA.  Gumugol ang Alaska ng 36 taon sa liga at sumungkit ng kabuuang 14 titles. Kaya naman, nalungkot ang PBA community sa desisyong ito ni Aces owner Fred Uytengsu.

 “It’s really a sad day hindi lamang para sa Philippine basketball pero lalo na sa PBA,” ani Kumi Willie Marcial.

“Sabi ko nga kay Mr. Fred, thank you for all the advices, for the friendship, at sa lahat lahat.”

Ang sinasabing rason sa disbandment ng Alaska ay malaon nang nasa alanganin. Ito’y matapos bilhin ng Dutch dairy cooperative Royal FrieslandCampina. Ang kompanya ay nabili noong taong 2012 sa halagang €227-million.

Kaya naman, ipinagbibili na ng AMC ang franchise ng team matapos magdesisyon na umalis na sa liga.

Dahil sa pag-pull-out ng team sa PBA, pag-uusapan ng board members ng liga ang kaukulang hakbang. Lalo na sa ilalatag na gagawin o contingency plan.