
Nag-organisa ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng commitment ceremony para sa 222 LGBTQIA couples bago ang Valentine’s Day.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang naturang seremonya.
Ayon sa naturang alkalde, patuloy na sinusuportahan ng Quezon City ang karapatan ng LGBTQIA constituents nito sa pamamagitan ng QC Gender Fair Ordinance.
“Love has no limits. Love is universal. Love wins, always,” pahayag ni Belmonte sa Facebook post.
“Pagbati at isang mahigpit na yakap sa mga magkasintahang LGBTQIA+ na nagpalitan ng kanilang panata ng pagmamahalan ngayong araw! Isang karangalan para kay Mayor Joy Belmonte ang masaksihan ang inyong wagas na pagmamahalan,” dagdag pa nito.
Hanggang sa ngayon, ang same-sex marriage ay pinagdedebatehan at hindi pa naisasabatas sa Pilipinas.
More Stories
2 PATAY SA SALPOKAN NG KOTSE AT BUS SA CALAUAG, QUEZON
TRIKE BUMANGGA SA POSTE: BABAE PATAY, 8 SUGATAN KABILANG ANG SANGGOL
KOREAN VOICE PHISHING SUSPECT, HULI SA PAMPANGA