Naungusan na ni Lebron James ng LA Lakers si Kareem Abdul-Jabbar sa pasiklaban sa scoring. Si James si Jabbar sa highest scoring player combined. Ito ay ang pinagsamang naitalang score sa regular season at playoff history.
Nagawa ito ng binansagang ‘The King’ nang magtala ng 26 points sa laro kontra Golden State Warriors. Bagamat talo sa iskor na 117-115, sobra ang puntos na ito sa kailangang 19 points upang ungusan si Jabbar.
Opisyal itong nangyari nang maisalpak ni James ang three-pointer. Less than 5 minutes na lang ang natira nun sa 3rd quarter. Naitala ni LeBron ang 21 points na nagrekta sa kanya sa total na 44,152 points. Samantalang si Jabbar ay naglista sa kanyang career ng 44, 149 points.
Gayunman, si Jabbar pa rin ang all-time leading scorer sa regular season na 38,387. Kung saan, 5,762 ang nalikom nito sa postseason. Si ‘The King’ naman ay mayroong 36,626 points sa regular season. At 7,657 naman ang naitala sa post season.
Kulang-kulang 500 points naman ang kakailanganin niya bago lampasan si Karl Malone sa all-time scoring list sa regular season.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo