Napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “very good” net satisfaction rating na +60 base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong Disyembre 2021.
Mas mataas ito ng 8 porsiyento kumpara noong Setyembre 2021 pero mas mababa ng 19 percent sa rating noong Nobyembre 2020.
Ayon kay SWS President at CEO Linda Luz Guerrero, nasa “honeymoon phase” pa rin ang rating ni Duterte kahit ilang buwan na lamang ay bababa na siya sa puwesto.
Ang pinakamababang net satisfaction rating ni Duterte ay naitala noong Hunyo 2018 na +45.
Sinabi ni Guerrero na tatlong factors ang nakapag-ambag sa high satisfaction rating ni Duterte na kinabibilangan ng malakas na base support, kasiyahan sa pamumuno ng administrasyon at “specific policy issues at approval sa kanyang pagdedesisyon.
Sa tatlong factors aniya, ang pinaka-importante ay ang pagtingin ng mamamayan sa karakter ni Duterte.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA