November 23, 2024

‘SIM REGISTRATION ACT’, NAPAPANAHON NA BA?

Mukhang itong ‘SIM Registration Act’ ay ipatutupad ng ating mga mambabatas dahil sa ilang kadahilanan. Gayunman, may ilang sanga-ayon at tutol dito sa Senate Bill 176.


Layun ng nasabing bill na maiwasan ang mga krimen gamit ang mobile phone. Gayundin ang scammers, prank at dropped calls emergency hotlines. Sa pamamagitan nito, malalaman ang gumagawa ng kalokohan. Maging ito man sa ay pre-paid at post sim cards.


Halimbawa ay ang extortion, kidnap-for-ransom, bullying, grave threats, blackmail at terorismo.
Pero, may ilang disadvantage ito na nagbibigay ng agam-agam sa taumbayan. Maisisiwalat aniya ang privacy nila. Baka gumastos ang mga nagtitinda nito sa pagpaparehistro kung required ipa-rehistro ang sim. Ang tanong libre raw ba?


Nilinaw naman ng nasabing bill na may confidentiality pa rin ang mga sim card users. Ang nailatag ito, required ang user na magpresent ng valid ID at photo. Gaya ng ginagawa kapag bumili ng sim cards sa Saudi Arabia.

Kasama na rin ang sign control registration form na mula sa service provider ng nabiling SIM card.Ang tanong ng ilan, papaano kung nawala ang cellphone ng isa at gamitin ng iba sa kalokohan?
At kapag nawala, ayon kay Sen. Win Gatchalian ay i-report agad. Sa gayun ay madi-activate agad ang sim upang di magamit sa kademonyohan.


Sa kabuuan, mas makabubuti ito sa nakararami. Ang totoo, sang-ayon sila sa bill basta mapangalagaan ang mga sim card users. Sa Ang mga nababahala lamang aniya ay ang mga gumagawa ng kalokohan.