November 24, 2024

NAVOTAS NAMAHAGI NG BIGAS, MANOK SA 80K FAMILIES (Bilang bahagi ng 116th Navotas Day celebration)

BILANG bahagi ng 116th Navotas Day celebration, namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna nina Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco ng limang kilong bigas at isang buong manok sa bawat pamilyang Navoteño. Nasa 14,157 mga pamilya mula sa barangays Tangos North at South ang unang nakatanggap ng naturang mga food pack. (JUVY LUCERO)

NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng limang kilong bigas at isang buong manok sa bawat pamilyang Navoteño bilang bahagi sa pagdiriwang ng lungsod ng ika-116 na anibersaryo ng pagkakatatag nito.

Pinangunahan nina Mayor Toby Tiangco, Congressman John Rey Tiangco at mga barangay opisyal ang unang araw ng pamimigay ng 116th Navotas Day Regalo Para sa Pamilyang Navoteño.

Nasa 14,157 mga pamilya mula sa barangays Tangos North at South ang unang nakatanggap ng naturang mga food pack.

Bumili ang pamahalaang lungsod noong Disyembre ng 80,317 packs ng bigas at manok para sa buong Navotas.

“The distribution was scheduled on January 14-16 as part of the week-long activities for Navotas Day. We deferred it to focus on the house-to-house delivery of medicines and vitamins,” ani Mayor Tiangco.

Namigay din ng paracetamol, phenylpropanolamine, at vitamin C ang pamahalaang lungsod sa 87,315 pamilyang Navoteño.

“We thank Navoteños for patiently waiting for us to bring our Navotas Day regalo to them. We also thank everyone who helped make this activity a success–from the purchase of the items to the receipt from suppliers to the delivery to each Navoteño family,” pahayag ng alkalde.

“We will strive to complete the distribution within one week so stay home, if you have nothing important to do outside, and wait for us to visit your area,” dagdag niya. (JUVY LUCERO)