Maaaring mapabilang sina Alyssa Valdez at Jia Morado sa a-asemboling national women’s team. Ito ay upang sumabak sa 31st Southeast Asian Games. Ayon kay PNVF president Tats Suzara, magkakamada sila ng players sa PVL.
“Mostly, if not all, will be PVL players for the SEA Games team,” Suzara sa isang panayam.
Kung matatandaan, hindi isinama ang dalawa sa national team pool noong 2021. Na kung saan dalawang team ang binuo upang lumahok sa AVC sa Thailand.
Napipisil ding isama ang volleybelles na sina Kat Tolentino ng Choco Mucho,Kath Arado, Jasmine Nabor ng Chery Tiggo at Kath Arado of PLDT.
Ang current members naman ay sina Kalei Mau, Abi Marano, Kim Kianna Dy, Majoy Baron at Dawn Macandili ng F2 Logistics, Jaja Santiago, Dindin Santiago at Mylene Paat ng Chery Tiggo, Deanna Wong ng Choco Mucho at Jema Galanza ng Creamline.
“We are still in a meeting now with the national team commission,” saad pa ni Suzara.
More Stories
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON
17 BuCor Custodial Inspectors graduate na sa Advanced Training Program
MGA PRODUKTONG GAWA SA BICOL, BENTANG-BENTA SA OKB REGIONAL TRADE & TRAVEL FAIR