November 23, 2024

ANG KARAPAT-DAPAT NA LAYUNIN NG PANAYAM UPANG PAUNLAKAN NG MGA KANDIDATO

Tuwing eleksyon, di maiiwasang kapanayamin ang mga kandidato ng mga host. Dito ay kikilatisin kung ano ang plataporma at long term plan nila sa bansa.


Dito masusubukan kung anong klasing lider sila kapag nakaupo sa puwesto. Pero, hindi nga gayun ang nangyayari. Sa halip, inuungkat ang baho, putik. Hindi maiiwasang may kinikilingan talaga.


Kung ikaw ay isang anchor at mag-iimbita para sa panayam ng mga kandidato, dapat malinaw ang nakasaad sa invitation. Para di masabihang biased. Kasi, sa panahon ngayon, lumabnaw na ang tiwala ng madla sa mainstream media. Mas niyayakap na nila ang social media, ang boses ng masa.


Sa imbitasyon, igarantiyang hindi uungkatin ang isyu noon pa. Magiging patas sa lahat. Live ang discussion at hindi pre-air o recorded. Mang-iimbita ka para malaman ang plataporma ng kandidato. Hindi yung gigisahin at iipitin ng mag-iinterview.

Kung halimbawang presidentiables ang iimbitahan, dapat lahat ng kandidato. Yung inilagay ng COMELEC sa listahan ng balota. Hindi yung kasama lang sa survey o yung mga top candidates. Sa gayun ay mabigyan sila ng pagkakataon na maipahayag ang kanilang pananaw at plano.

Huwag hayaang magbatuhan ng putik at kasiraan ng mga kandidato sa isa’t-isa. Baka maging silo o mahulog lang sila sa pagiging unpofessional. Nandun sila para ibenta ang sarili nila sa tao, hindi ang pagsabungin sila. Alalahanin nating kapwa-Pilipino rin sila at gayun din tayo. Labas na sa panayam ang mga personal na isyu nila. Isyu ng bayan ang pag-uusapan sa panayam.

Papayag ba tayong magkapa-talu-sira dahil lamang sa kinikilingan nating mga kandidato? Pag tapos na ang halalan, anong silbi ng mga nagawang lamat at tampuhan ng mga magkakaibigan at magkakamag-anak? Wala.


Sa gayun ay maghari sa panahon ng panayam ang pagka-maginoo. Hayaan ang taumbayan ang humusga kung ano ang isasagot ng isa sa tanong. Dapat casual lang ang panayam, pwede kahit may nilalantakang Pinoy foods habang nakasalang sa panayam.


Ganito ang dapat itanong sa mga kandidatong isasalang sa interview. Yung patas at walang lihim na pagigisa. Walang personalan.

Anu-ano po ang magiging priority n’yong sector kung papalaring maupo sa puwesto?” Tapos, ipapakita sa screen ang ilang sektor o sustansiya. Halimbawa, edukasyon, droga ekonomiya, kalusugan, peace and order, environment at iba pa. Isama pa ang ilang industriya. Halimbawa, ng sining, kultura at iba pa.

Anu-ano po ang masasabi nyo sa ilang panukalang bill o batas at iba pang isyu. Payag po ba kayo o hindi. Bakit po‘? Tapos bigyan ng brief explanation ang sasagot.


Example: Death Penalty, Same Sex Marriage, Tax sa religion, isyu politial dynasty. Gayundin ang subtitution of candidates at iba pa.


Tapos hingan sila ng sagot kung ano ang gagawin nila sa ilang problema ng bansa. Halimbawa, kapag may kalamidad o baha. Solusyon sa waste management, sugal, smuggling, red tape at pandemya.
Dapat maghari rin sa panahon ng talakayan ang good vibes. Yung wacky moments. Para di umalis sa studio ang mga kandidato na masama ang loob sa isa.


Tapos, may audience ( kung pwede) na magtatanong ng direct to the points sa mga kandidato. Palabunutan kung sinong kandidato ang tatanungin niya. Parang Miss Universe, para maiwasan ang pagkiling at bias.


Kung ang isa ay galit kay BBM, tapos nabunot niya na tatanungin ay si Isko o Leni, mawawala ang pagiging bias.Gayundin ang ayaw kay Leni, tapos nabunot na tatanungin niya ay si BBM o Pacman, etc. Dapat ang tanong ay di below the belt o mang-uupat lang. Para iwas bash na rin sa taong magtatanong.


Bigyan ng isang minuto at 30 seconds ang kandidato na sumagot. Hayaan ang audience at taumbayang nanood sa TV ng humusga kung sino ang mas matimbang. ‘O umangat, huwag yung parang ira-rank mo sila. Pangit yun.

Kung ang mga nailatag din ang layunin ng mag-i-interview. Tiyak na sisiputin siya ng kandidato na may dala pang puto at kutsinta.