In-adopt ng PDP-Laban, sa pamumuno ni Energy Secretary Alfonso Cusi, si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang opisyal na vice presidential candidate sa 2022 National and Local Elections.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng partido na desisyon ito ng PDP Laban National Executive Committee base sa adbokasiya, credentials, at pangitain ng Presidential daughter para sa bansa.
Sa ngayon, tinatapos na ang terms ng kanilang alliance agreement kasama ang Lakas-CMD, kung saan nagsisilbi si Duterte-Carpio bilang chairperson.
Ayon sa PDP-Laban wing, si Duterte-Carpio ang pinaka-kwalipikado sa naturang posisyon base sa kalidad ng kaniyang pamumuno at track record.s
Sinabi ng partido na naniniwala silang maipagpapatuloy ni Duterte-Carpio ang mga programa ng kasalukuyang administrasyon.
Sa ngayon, pinoproseso pa ng partido ang pag-evaluate kung sino sa tingin nila ang presidential candidate na makakapagpatuloy ng mga programa ni Pangulong Rodrigo Duterte.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE